Narito ang mga maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Huwebes, March 31, 2022:
- Oil price rollback, posible sa susunod na linggo / DOE: posibleng may oil price rollback sa susunod na linggo base sa 3-day trading sa World Market
- Mga karinderya, kanya-kanyang diskarte dahil sa mahal na bigas / SINAG: posible pang tumaas ng hanggang p4/kilo ang presyo ng bigas / Dept. of Agriculture, magbibigay ng hanggang P3,000 fertilizer subsidy sa mga magsasaka
- 2 uri ng number coding scheme, iminungkahi ng MMDA para maibsan ang traffic / Ilang motorista, hati ang opinyon sa panukalang 2 uri ng number coding scheme
- Suspek sa pag-atake sa isang Pinoy sa Amerika, arestado
- P6.8-M halaga ng umano'y shabu, nadiskubre sa pressure cooker sa isang warehouse
- 2 dayuhan na nagbebenta umano ng pekeng dolyar, arestado; matataas na kalibre ng baril, nakuha rin sa kanila
- PSC: PATAFA at EJ Obiena, nagkasundo na; Obiena, ieendorso na sa SEA Games at World Outdoor Athletics
- Dump Truck, inararo ang mga concrete barrier sa EDSA; driver, nawalan daw ng kontrol sa manibela
- TANONG SA MGA MANONOOD: Ano ang mga gagawin mo bilang pag-iingat sa COVID kapag pupunta sa tourist attractions na dinadagsa na rin ngayon?
- Panayam kay Asec. Paola Alvarez DOF-FIRB spokesperson
- Bruce Willis, magreretiro na matapos ma-diagnose na may sakit na Aphasia
- Wax figure ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na gawa ng Madame Tussauds, ipinakita na / Christian Bautista, nasa Los Angeles na para sa US tour na "Threelogy" / SB19, 4th Impact at ibang local artist, mag-pe-perform sa 2022 Pinoy Pop Convention